PSA Forum magbabalik sa Martes via Zoom video conferencing
MANILA, Philippines — Magbabalik ang lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Martes matapos ang four-month break sa ilalim ng bagong platform.
Bibisita sa two-part session sina Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez at Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino para talakayin ang estado ng Philippine sports sa gitna ng global pandemic.
Gagawin ang pang alas-10 ng umagang program conferencing na kauna-unahan sa mahigit 70 taon ng PSA bilang pagsunod sa safety protocols at mapigilan ang pagkalat ng coronavirus.
Isasaere nang LIVE ang sports program sa PSA Facebook page at may audiostreaming sa Radyo Pilipinas 2, ayon kay PSA president Tito S. Talao ng Manila Bulletin.
Ang sesyon ay inihahandog ng San Miguel Corp., Amelie Hotel, Braska Restaurant, the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) katuwang ang Smart.
- Latest