Sinabayan ni Kai Sotto ang isang Chinese player para makuha ang rebound sa isang FIBA Asia Championship game.
FIBA.com
Kai Sotto hinog na para sa NBA G League
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - May 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tiwala ang mga dating coaches ni Kai Sotto na handa na ito - pisikal man o mental - sa pagsabak nito sa NBA G League.

Para kay Batang Gilas head coach Sandy Arespacochaga, hawak na ni Sotto ang lahat ng aspeto - ang abilidad, estilo at mental toughness na nasilayan ng coaching staff noong naglalaro ito para sa Batang Gilas.

Kailangan na lamang ni Sotto na patunayan sa buong mundo ang tikas ng isang Pinoy cager sa oras na tumuntong ang kanyang mga paa sa NBA G League stage.

“He is ready. But if you ask me what level of readiness, that remains to be seen,” ani Arespacochaga sa isang ulat.

Personal na nasaksihan ni Arespacochaga ang pag-usbong ni Sotto.

Alam nito ang kakayahan ng 7-foot-2 na dating Ateneo de Manila University High School standout.

“Looking at Kai’s career path, it’s very important to note that what’s key for him is development. There might be a possibility that he may do well in the G-League but there’s also a possibility that he won’t,” ani Arespacochaga,

Bagama’t handa na si Sotto sa pisikal at mental na aspeto, naniniwala si Arespacochaga na marami pang kailangang matutunan ang dating UAAP Juniors MVP.

“From my perspective, the most important thing is his development because the G-League is not the end goal. It’s just a stepping stone towards hopefully him making it to the NBA,” ani Arespacochaga.

Nahawakan ni Arespacochaga si Sotto sa 2019 FIBA Under-19 World Cup.

At malaki na ang ipinagbago ng kanyang estilo sapul nang magtungo ito sa Amerika para sumalang sa matinding training sa The Skill Factory na isa sa may pinakamagandang pasilidad at training program para sa mga basketball players.

Kabilang sa mga kila­lang manlalaro na dumaan sa The Skill Factory ay sina NBA stars James Har­den, John Wall at Kemba Walker.

Isa sa mga hinaha­ngaan ni Arespacochaga kay Sotto ay ang pagiging masunurin nito at ang mabilis na pag-pick up sa mga instructions na ibinibigay sa kanya.

Malaking bagay aniya ito para mas lalo pang mahasa ang kanyang galing kasama ang mga bete­ranong NBA coaches at trainers.

“The good thing with Kai is he’s like a sponge. He’s a fast-learner and you can really see his improvement. From the last time I saw him to now, maybe he already made a big jump with regards to his skill set,” ani Arespacochaga.

KAI SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with