Manny Pacquiao
Manny Pacquiao FB Page
Pacquiao tinitingala sa buong mundo-Porter
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - May 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hinahangaan ni da­ting World Boxing Council (WBC) welterweight champion Shawn Porter si eight-division world champion Manny Pacquiao kumpara kay undefeated American pug Floyd Mayweather Jr.

At kung papipiliin, mas nanaisin ni Porter na sundan ang yapak ni Pacquiao kesa kay Mayweather.

Ayon kay Porter, respetado sa buong mundo si Pacquiao sa labas man o sa loob ng ring.

Marami itong pinagdaanan bago marating ang kanyang kinalalagyan.

Isinalarawan ni Porter si Pacquiao na isang fighter na mabilis na bumabangon at nababawi ang ningning sa kanyang pangalan sa tuwing bumabagsak ito.

Bagay na naihahalintulad nito sa kanyang buhay.

“I’m actually gonna go with Manny. I think that even though Manny has taken a lot of punishment – he’s been in a lot of wars, he’s been in a lot of exci­ting fights. You know me – I like the war,” ani Porter sa panayam ni Dan Rafael sa Stars and Champions program.

Dahil sa kanyang ta­gum­pay, marami ang hu­mahanga sa Pinoy champion.

Isa na rito si Porter.

“So, for those reasons, I would pick Manny. And then on top of that, if you look around the world more people appreciate Manny. More people respect and adore Manny than dislike him (than) Floyd Maywea­ther,” ani Porter.

Kilalang mabagsik si Pacquiao sa loob ng ring.

Matatalim na suntok, mababangis na kumbinasyon na nagpabagsak sa mga  world champions.

Subalit sa labas ng ring, may malambot itong puso na tunay na kinagigiliwan ng mga boxing fans.

MANNY PACQUIAO WBC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with