^

PSN Palaro

Santos tutulong para sa ‘8-peat’ ng San Miguel

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Sa PBA philippine cup

MANILA, Philippines — Sa susunod na buwan ay ipagdiriwang ni veteran small forward Arwind Santos ang kanyang ika-39 kaarawan.

At habang kaya pa niyang makapag-ambag ng kontribusyon para sa rekord na walong sunod na PBA Philippine Cup ng San Miguel ay gagawin niya.

“Nabanggit ko iyan. Alam ng teammates ko iyan na pilitin natin hangga’t magkakasama tayo,” wika ni Santos sa isang 2OT podcast nina PBA anchors Carlo Pamintuan at Magoo Marjon.

Puntirya sana ng mga Beermen ang kanilang ika-anim na dikit na PBA Philippine Cup crown ngayong 45th Season kundi lamang nadiskaril ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic ang season-opening conference noong Marso 11.

Sa pagbubukas ng 2020 PBA Philippine Cup ay pinaluhod ng San Miguel ang Magnolia, 94-78, bagama’t hindi naglaro si sixth-time PBA MVP June Mar Fajardo dahil sa kanyang leg injury.

“More championship. Iyong talaga ‘yung role namin (as players),” ani ng 2013 Most Valuable Player na isa ring nine-time Mythical First Team at se­ven-time All-Defensive Team member.

vuukle comment

PBA PHILIPPINE CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with