Ricci Rivero
Released
Rivero nagpasaya ng cancer patient
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - May 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa pagdiriwang ng kanyang ika-22 kaarawan kahapon, isang cancer patient ang napasaya ni University of the Philippines (UP) standout Ricci Rivero.

Matagal nang sinusuportahan ni Freslee Salazar ang 6-foot-1 cager.

Pareho ang birthday nina Rivero at Salazar.

Kaya naman gumawa ang UP star ng paraan para mapasaya ang 18-anyos na si Salazar na nagdiwang din ng kaarawan noong Mayo 25 (parehong petsa ng kaarawan ni Rivero).

Nakausap ni Rivero si Salazar via video chat.

Ang pinsan nitong si Felyn Piamonte ang gumawa ng paraan nang magmensahe ito sa social media account ni Rivero.

“Nung nakita ka niya sa tv iba ‘yung saya na nararamdaman niya. ‘Yung ngiti mo napapangiti rin siya. Isa pa rito ay ka-birthday mo siya. ‘Yun din siguro ang pinagkukunan niya ng lakas. Nilalabanan niya ‘yung cancer niya kasi nagbabakasakali siyang makita ka niya na ma-notice o mapansin man lang,” ayon sa mensahe ni Piamonte.

Agad namang tumugon si Rivero.

Katulong ang kanyang ina at mga kapatid, gumawa ito ng birthday cake para kay Salazar.

“Sobrang na-inspire ako sa story niya. Sobrang natuwa ako dahil she’s supporting me for so long na pala,” ani Rivero.

Hindi maitago ang saya ni Salazar nang makita nito si Rivero kahit sa video call lamang.

“Nung nabasa ko yung tweet sobrang natuwa ako kasi may mga tao pala na sobrang sumusuporta sa akin. I wanna thank you for for loving me and please stay healthy. When I have a chance to go to Iloilo and visit you celebrate din natin yung birthday natin ulit,” mensahe ni Rivero kay Salazar.

Tuluyan nang pumatak ang luha ni Salazar habang nakikinig sa mensahe ni Rivero.

Kaya naman halos hindi na ito makapagsalita sa sobrang saya nito.

“Ang wish ko para sayo good health and ma-meet kita personally. More power and blessings para sa atin at sa career mo,” ani Salazar. 

RICCI RIVERO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with