Hindi pa rin kasama ang 5x5 basketball tournament kagaya ng Philippine Basketball Association sa mga papayagang sporting events.
Jun Mendoza
PBA hindi pa rin kasama sa mga papayagang sporting events ng IATF
Russel Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - May 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Sa inilabas na bagong omnibus guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF) para sa implementasyon ng community quarantine ay maaari nang unti-unting payagan ang pagdaraos ng mga sporting events.

Ito ay pahihintulutan lamang ng IATF sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community qua­rantine (MGCQ).

“Mass gatherings such as but not limited to mo­vie screenings, concerts, sporting events, and other entertainment activities, community assemblies, and non-essential work gatherings shall be allowed (in MGCQ),” nakasaad sa memo ng IATF.

Sa MGCQ ay puwede lamang buksan ang mga sporting events na limitado sa 50 porsiyento ang mga manonood para sa obserbasyon ng physical distan­cing sa loob ng venue.

Hindi pa rin kasama ang 5x5 basketball tournament kagaya ng Philippine Basketball Association sa mga papayagang sporting events.

Ito ay dahil ang National Capital Region, Laguna at Cebu City ay nasa ilalim pa rin ng modified enhanced community quarantine (MECQ) na ipinagbabawal ang mass gathering.

Pinapayagan sa MGCQ ang mga indoor at outdoor non-contact sports at pag-eehersisyo kagaya ng paglalakad, pagtakbo at pagbibisikleta at kailangang may suot na face mask at pagkakaroon ng physical distancing.

Ilan sa mga tinatawag na non-contact sports ay ang golf, tennis, swimming, badminton, equestrian at skateboarding. Pinapayagan din ang mga ito sa mga lugar na nasa ilalim ng  GCQ.

AITF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with