Romero ipinanawagan ang mas maayos at ligtas na bike lanes para sa mga magbibisikleta
(Pilipino Star Ngayon) - May 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Ang pagkakaroon ng mas maayos at ligtas na kalsada para sa promos­yon ng pagbibisikleta sa pagpasok ng ‘new normal’.

Ito ang ipinanawagan kahapon ni Deputy Speaker Mikee Romero (1-Pacman Partylist) sa mga national at local exe­cutives kung ipapatupad ang ‘cycling to work’ slogan sa pagharap sa coronavirus disease (COVID-19).

“The surest and practical way to reach your destination now is to renew our love affair with our bikes,” wika ni Romero sa pagkatig niya sa panawagan ng mga cycling stakeholders na gawing bagong paraan ng transportasyon ang pagbibisikleta.

Idinagdag pa ng da­ting Philippine Cycling Fe­deration president na mas mabilis at mas matipid na mararating ng mga daily commuters ang kanilang mga paaralan o trabaho kung gagamit ng bisikleta.

Noong nakaraang linggo ay iginiit nina Bert Lina (Le Tour) ng Lina Group of Companies at Moe Chulani (Ronda Pilipinas) ng LBC ang paggamit ng bisikleta na angkop sa social distancing laban sa COVID-19.

Bagama’t mayroon nang mga bike lanes sa ilang lugar ay sinabi ni Romero na dapat proteksyunan ang mga bike users laban sa mga kotse, trak at bus sa pamamagitan ng paglalagay ng mga protective barriers.

“It’s scary to see a speeding car or a 10-w­heeler truck runs over a biker. That could be tra­gic,” sabi pa ng national polo player at majority ow­ner ng AirAsia Philippines.

MIKEE ROMERO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with