Manny Pacquiao
STAR/ File
Pacquiao kay Mayweather
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - May 24, 2020 - 12:00am

Inggit ka lang!

MANILA, Philippines  — Bumuwelta si eight-division world champion Manny Pacquiao sa mga patutsada ni undefeated American fighter Floyd Mayweather Jr. sa ilang panayam nito kamakailan.

Kaliwa’t kanan ang mga naghahabol sa reig­ning World Boxing Association (WBA) welterweight champion na si Pacquiao kabilang na ang mga bagitong world champions.

Ilan dito ay sina World Boxing Council (WBC) at International Bo­xing Federation (IBF) welterweight champion Errol Spence Jr., dating WBC welterweight titlist Shawn Porter, at World Boxing Organization (WBO) welterweight king Te­rence Crawford gayundin sina Mikey Garcia, Danny Garcia at Amir Khan.

Pare-pareho ang layunin ng mga nabanggit na boksingero - ang makaharap si Pacquiao na itinuturing na isang legen­dary figure sa mundo ng boksing.

Ngunit hindi ito maganda sa paningin ni Mayweather.

Kaya naman ilang maaanghang na salita ang binitawan nito.

Ayon sa American pug, tigilan na ng mga batang boksingero na habul-habulin ang isang “matandang boksingero” na si Pacquiao.

“It’s sad that you hear guys say, ‘I want to fight Manny Pacquiao.’ But Manny Pacquiao is 41 now. Don’t chase him. You young guys chase each other. Stop chasing this old man. If the opportunity presents itself, go out and do what you got to do,” ani Mayweather.

Para kay Pacquiao, tila naiinggit lamang si Mayweather, wala na ito sa senaryo dahil sa kanyang pagiging buhay retirado.

“Siguro, naiinggit lang ‘yun dahil retired na siya,” ani Pacquiao.

Mabagsik pa ang kamao ni Pacquiao.

Kitang-kita ang tikas ng Pinoy champion sa kanyang huling dalawang laban noong nakaraang taon kung saan pinataob nito sina Adrien Broner noong Enero at Keith Thurman noong Hulyo.

Sa edad na 41-anyos, hawak pa ni Pacquiao ang WBA welterweight belt.

“Kami kasi active pa at saka may korona pa tayo,” ani Pacquiao.

Tuluy-tuloy ang pansariling training ni Pacquiao sa kanyang tahanan sa Makati para mapanatili ang kondisyon nito.

Maliban sa magagaan na workout, sumasalang din si Pacquiao sa sha­dow boxing, heavy bag at running sessions.

Kadalasan kasabay nito sa workout ang kanyang pamilya partikular na ang kanyang anak na si Jimmuel na nalilinya na rin sa boksing.

“Wala namang problema. Kakatapos ko lang sumuntok sa punching bag. Nagte-training pa rin ako para mapanatili ang kondisyon,” ani Pacquiao.

Patuloy din ang pagtulong ni Pacquiao sa coro­navirus disease (COVID-19) fight.

Makailang ulit na itong nagbigay ng donasyon para makatulong sa mga frontli­ners na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Wala pang pormal na anunsiyo ang kampo ni Pacquiao kung sino ang sunod na makakalaban nito.

MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with