^

Ilang practice facilities binuksan ng NBA

(Pilipino Star Ngayon) - May 10, 2020 - 12:00am

MIAMI -- Gumawa ng ‘baby steps’ ang NBA patungo sa kanilang pagiging normal sa gitna ng laban sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Ilang practice facilities ang muling binuksan para sa workouts ng mga koponan kung saan isa ang nakakuha ng permiso para isailalim sa test ang mga players at staff.

Nagbukas ang Cleveland at Portland para sa pagpapawis ng kanilang mga players na gustong makakuha ng voluntary workouts.

Isa rito si Cavaliers forward Cedi Osman na isa sa mga players na nagbalik sa isang NBA practice court sapul nang iutos ng liga ang pagpapasara sa mga training facilities para makaiwas sa COVID-19.

“Great to be back,” wika ni Osman sa Instagram kasabay ang pagkuha ng selfie sa walang taong practice gym.

Samantala, sumali si NBA Commissioner Adam Silver sa isang teleconfe­rence kasama ang mga miyembro ng National Basketball Players  Association.

Sinabi ni Silver sa mga players na desidido ang liga na gawin ang best-of-seven playoff series kung muling bubuksan ang season at posibleng maglaro nang walang mga fans.

CAVALIERS COVID-19 NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with