_ngayon
^
Pacquiao no. 3 sa greatest welterweight boxers
Manny Pacquiao

Pacquiao no. 3 sa greatest welterweight boxers

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - May 8, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pasok sa Top 10 si reig­ning World Boxing Association (WBA) welterweight champion Manny Pacquiao sa “Greatest Welterweight Boxers” sa nakalipas na limang dekada sa industriya ng boksing.

Sa inilabas na ulat ng CBS Sports, nasa No. 3 ang Pinoy champion dahil sa kanyang matagumpay na karera sa boksing.

Nagkamit si Pacquiao ng titulo sa walong magkakaibang dibisyon upang maging pinaka-maningning na boksingero sa nakalipas na dalawang dekada.

“The sport’s only eight-division champion could make a case for inclusion on a few of these lists thanks to his steady rise in weight over a legendary 25-year career,” ayon sa CBS Sports.

Ilan sa mga mata­gum­pay na panalo ni Pacquiao ang pananaig nito kina Oscar De La Hoya noong 2008 at Miguel Cotto noong 2009 na mga taong itinutu­ring na pinaka-malakas ang tinaguriang Pambansang Kamao.

“It turns out the Filipino icon measures up just fine at 147 pounds historically, even if his power seemed to level off just a bit. Welterweight victories over Oscar De La Hoya in 2008 and Miguel Cotto in 2009 saw Pacquiao at his very best,” ayon pa sa CBS Sports.

Mas lalong humanga ang CBS Sports sa lakas ng kamao ni Pacquiao na kaya pang makipagsaba­yan sa mga mas batang boksingero sa kabila ng kanyang edad na 40-anyos.

Sa katunayan, pinataob ni Pacquiao sina Adrien Broner at Keith Thurman noong nakaraang taon.

“The fact that he would drop and outpoint unbea­ten Keith Thurman 10 years later at the age of 40 to reclaim a title just speaks to his overall greatness,” nakasaad pa sa ulat ng CBS Sports.

Ilan pa sa mga tinalo ni Pacquiao sina Josh Clottey, Shane Mosley, Juan Manuel Marquez, Timothy Bradley Jr., Brandon Rios, Jessie Vargas at Lucas Matthysse.

Dahil sa kanyang ma­ningning na karera, inaasa­hang mapapasama si Pacquiao sa Boxing Hall of Fame sa mga susunod na taon.

Nakuha naman ni Su­gar Ray Leonard ang u­nang puwesto habang nasa No. 2 naman si undefeated American fighter Floyd Mayweather Jr.

PACMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with