^

PSN Palaro

Broke?

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Paubos na raw ang pera ni Floyd Mayweather Jr.

Parang ang hirap paniwalaan.

Pero naglabasan sa Internet ang mga ulat kahapon na natutuyo na ang balon para sa retired boxing superstar.

Heavyweight sa gastusan ang 43-year-old. Private jet ang gamit sa byahe. Mansion dito, mansion doon. Garbo ang garahe. Todo alahas. At malakas magsugal.

Mahilig sa party. Tinatapon ang pera.

Madalas mag-post kung magkano ang napanalunan sa sugal. Ang sabi ng isa, hindi naman sinasabi kung magkano ang natatalo.

Kaya kung walang pumapasok na pera, posible nga na maubos ang cash. Parang Mike Tyson.

Simot.

Ito raw ang dahilan kung bakit lately ay parang nagpapahiwatig si Floyd na babalik siya sa boxing.

Easy money nga naman.

Sana nga lang, rematch kay Manny Pacquiao.

Para sa akin, yun ang biggest fight. Kaya nila kumita nang $200 million each.

Pero hindi pa ngayon dahil may COVID pa.

Kaya Floyd, hinay-hinay sa gastos.

vuukle comment

FLOYD MAYWEATHER JR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with