Letran magpapalakas para sa NCAA Season 96
Colegio de San Juan de Letran
Joey Mendoza
Letran magpapalakas para sa NCAA Season 96
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - April 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Desidido ang Colegio de San Juan de Letran na maipagtanggol ang titulo nito sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 96 men’s basketball tournament.

Kaya naman palalakasin ng Intramuros-based squad ang lineup nito para sa masukbit ang inaasam na back-to-back titles sa susunod na edisyon ng liga.

Agad na magsasa­gawa ng tryout ang Letran sa oras na matapos na ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) na ipinatutupad ng gobyerno sa buong Luzon upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus (Covid-19).

“The Petron-Letran Knights, reigning NCAA champions, are in need of qualified basketball pla­yers to be part of its winning team. An upcoming tryout schedule will be announced once the enhanced community quarantine is over,” ayon sa statement ng Letran management.

Malaking butas ang pupunan ng Knights sa pagkawala ni Letran ace Jerrick Balanza gayundin ng mga kapwa betera­nong sina Bonbon Batiller, Christian Balagasay at Tommy Olivario.

Maiiwan ang pasanin kina Fran Yu, Larry Mu­yang at Jeo Ambohot.

Si Yu ang itinanghal na Finals Most Valuable Player noong Season 95.

Magbabalik-aksiyon na rin si Christian Fajarito.

Hahawakang muli ni veteran coach Bonnie Tan ang Knights.

Magugunitang hinu­baran ng Letran ng korona ang three-time champion San Beda University noong nakaraang taon.

Ito ang unang titulo ng Knights sapul noong 2015 at ika-18 kabuuang korona ng koponan sa liga.

Hindi naging madali ang pagsungkit ng Letran ng naturang korona.

Dumaan muna ito sa butas ng karayom bago makapasok sa finals.

Tinalo ng Letran ang San Sebastian College-Recoletos at Lyceum of the Philippines University sa stepladder semifinals bago makaharap ang San Beda sa best-of-three finals.

LETRAN SAN JUAN DE LETRAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with