Kung matutuloy ang laban... Pacquiao paborito vs Mikey Garcia
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - April 7, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi pa man naikakasa ang laban nina eight-division world champion Manny Pacquiao at American fighter Mikey Garcia, kaliwa’t kanan na ang prediksiyon ng magiging resulta ng laban.

Walang iba kundi si Pacquiao ang pinapaborang manalo dahil sa malalim nitong karanasan bukod pa ang dalawang impresibong panalo na naitala nito sa kanyang mga nakalipas na laban.

Para kay three-division world boxing champion Abner Mares, mapapanatili ni Pacquiao ang kanyang World Boxing Association (WBA) welterweight belt.

“I think it’s a really good fight. I know when they asked me this a couple of weeks ago, I said Manny Pacquiao, and I’m still going to pick Pacquiao,” ani Mares sa pa­nayam ng Fight Hub TV.

Magiging armas ni Pacquiao ang bilis ng kanyang kamao na kayang magpakawala ng kaliwa’t kanang matatalim na suntok.

Magiging problema lang aniya ng Pinoy champion ang depensa na isa sa nagiging kahinaan nito - at siya namang pangunahing target ng kanyang mga kalaban.

“So with that said, I think Manny Pacquiao he is a volume puncher, he is really explosive but sometimes he forgets about his defense and commits and opens up, and he is a target,” ani Mares.

Nangyari na ito nang hindi naging maingat si Pacquiao sa kanilang laban ni Juan Manuel Marquez noong 2012 kung saan nakalusot ang knockout punch ng Mexican fighter para makuha ang sixth round TKO win.

“Let’s not forget against Marquez, that Marquez timed him. He timed him perfectly for him to come in and got him with that overhand right,” ani Mares.

Ngunit tila natuto na si Pacquiao sa mapait na karanasang nalasap nito kay Marquez.

Nakita ito ni Mares nang talunin ni Pacquiao si dating undefeated fighter Keith Thurman noong nakaraang taon.

“Again, I’m favoring Manny Pacquiao because of his volume and because of what he did with Keith Thurman that surprised me. That surprised a lot of people especially at this time in age with the young fighter that he eat,” ani Mares.

Pinayuhan ni Mares si Pacquiao na mag-ingat dahil mapanganib ding kalaban si Garcia na isang matalinong boksingero.

Kitang kita sa mga nakalipas na laban ni Garcia na matiyaga itong humahanap ng pagkakataon bago magbitaw ng suntok sa kanyang kalaban.

MANNY PACQUIAO MIKEY GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with