Alyssa Valdez
Valdez, iba pang players kaakibat sa COVID-19 fight
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - April 7, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patuloy ang paglobo ng mga volleyball players na tumutulong sa paglikom ng pondo para makabili ng personal protective equipment (PPE) para sa mga forntliners na lumalaban sa pagsugpo sa coronavirus disease (Covid-19).

Kung jersey auction ang pinasimulan ni dating Ateneo de Manila University playmaker Jia Morado, iba naman ang paandar ni three-time UAAP MVP Alyssa Valdez kasama ang iba pang volleyball stars.

Isang Raffle for Heroes ang ginawa ng grupo ni Valdez kung saan inanyayahan nito ang mga volleyball fans na bumili ng raffle tickets na nagkakahalaga ng P300.

Maaaring manalo ang mga sasali ng jersey, t-shirts, memorabilias at iba pang personal items ng mga pla­yers sa UAAP, NCAA, Phi­lippine Superliga at Premier Volleyball League.

Sa katunayan, isasama ni dating Ateneo middle blocker Charo Soriano sa ipapa-raffle nito ang kanyang Best Receiver trophy na natanggap nito noong UAAP Season 70.

Ibinigay naman ni A­te­neo star Bea de Leon ang kanyang customized Kobe Bryant shoes habang nagbigay ang katropa nitong si Maddie Madayag ng jersey na ginamit nito sa 2019 Southeast Asian Games.

Maliban kina Valdez, Soriano, De Leon at Madayag, nagbigay din ng kani-kanilang items sina Gretchen Ho, Amy Ahomiro, Amanda Villanueva, Nicole Tiamzon, Kathy Bersola, AJ Pareja, Lizlee Anne Gata-Pantone, Sue Roces, Sasa Devanadera, Thang Ponce, Jen Nierva, Jen Reyes, Kath Arado, Ella de Jesus, Sisi Rondina, Bernadeth Pons, Dennise Lazaro, Jema Galanza at Deanna Wong.

Target ng grupo ni Valdez na makabili ng 2,500 PPEs o mahigit pa para ipamahagi sa iba’t ibang ospital na nangangaila­ngan nito.

ALYSSA VALDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with