Tokyo Olympics Athletes Village
Athletes Village sa Tokyo gagawin munang hospital?
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - April 5, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Pinag-aaralan na ng mga organizers na ipahiram ang Tokyo Olympics Athletes Village para maging temporary hospital ng mga coronavirus (Covid-19) patients sa Tokyo, Japan.

Ang pasilidad ay may 24 gusali na kayang umokupa ng 11,000 katao.

Ngunit dahil inilipat ang petsa ng Olympic Games sa susunod na taon, magi­ging bakante ang Athletes Village sa susunod na 16 buwan.

Kaya naman naisip ng mga organizers na maaari muna itong gamitin para sa lumalalang sitwasyon ng coronavirus crisis sa Japan.

Gayunpaman, inihayag ni Tokyo Governor Yuriko Koike na hindi pa tapos ang ilang pasilidad sa Athletes Village kaya’t ma­ngangailangan pa ng ilang linggo bago ito tuluyang magamit.

“The Athletes Village was one of the options, but the village is not finished yet. We are talking about places that are available even today or tomorrow and checking a possibility one by one,” ani Koike.

Matapos ang Olympics sa susunod na taon, ang 5,600 units sa Athletes Village ay aayusin para maging condominium units at ibenta ito.

Mahigit 1,000 na sa naturang bilang ang nabenta na at inaasahang itu-turnover sa mga bagong may-ari sa 2023.

Aabot sa $500,000 hanggang $2 million ang presyo ng isang unit sa Athletes Village.

YURIKO KOIKE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with