Team Lakay hahataw, sisipa sa S+A ngayong Abril
(Pilipino Star Ngayon) - April 5, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Mauling mapapanood ang mga mandirigma sa Mixed Martial Arts (MMA) ng Team Lakay sa ONE Championship ngayon sa ABS-CBN S+A.

Muling matutunghayan ang tagumpay ni Lito “Thunder Kid” Adiwang sa “ONE Warrior Season 4” kung saan tampok ang mga nais makilala sa MMA.

Sisipa ang palabas simula alas-6 ng gabi hanggang 12 ng gabi at mapapanood din tuwing Lunes, Martes, Miyerkules, Sabado at Linggo ng alas-9 ng gabi.

Bukod kay Adiwang ay mapapanood din ang kanyang kakampi sa Team Lakay na si Joshua “The Passion” Pacio na mapapanood sa “ONE: Roots of Honor” sa Abril 16.

Binawi ni Pacio sa nasabing laban ang korona sa ONE Strawweight division laban kay Japanese Yosuke Saruta.

Sa Abril 17 ay ilalahad ang laban ni Geje “Gravity” Eustaquio kay Kim Kyu Sung ng Korea sa Flyweight World Grand Prix sa “ONE: Enter the Dragon.”

Sa Abril 23 ay si Danny “The King” Kingad ang magpapakita ng bangis kontra kay Reece McLaren ng Australia sa “ONE: Dawn of Heroes.” Muling mapapanood si The King kasama nina Brandon Vera at Kevin Belingon sa pagpapalabas ng “ONE: Century” event sa Japan sa Abril 24.

Para isara ang buwan ay ipapakita naman ang bakbakan nina Pacio at Rene Catalan sa “ONE: Masters of Fate” kung saan nanalo rin sina Eduard Folayang, Robin Catalan at Eustaquio.

Para sa mga balita sa sports, i-follow ang @ABSCBNSports sa Facebook, Twitter, at Instagram o bumisita sa sports.abs-cbn.com. Para sa updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa abs-cbn.com/newsroom.

MMA ONE CHAMPIONSHIP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with