Santiago 10 jersey ang ibinigay sa jersey auction
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - April 5, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sampung jersey ang ibinigay ni dating UAAP MVP Jaja Santiago sa jersey auction na naglalayong makalikom ng pondong gagamitin sa pagbili ng personal protective equipment (PPE) para sa mga health workers.

Nakibahagi ang 6-foot-5 middle blocker na produkto ng National University sa kampanya ni dating A­teneo de Manila University playmaker Jia Morado na makatulong sa pagpuksa sa coronavirus disease (Covid-19) pandemic.

Ang mga PPEs ang pangunahing panga­ngailangan ng mga health workers na katuwang ng gobyerno sa pag-aasikaso sa mga tinamaan ng coronavirus disease sa iba’t ibang panig ng bansa.

Kaya naman hindi na nagdalawang isip pa si Santiago na suportahan ang jersey auction.

Kabilang sa mga i­bi­nigay ni Santiago ang kanyang jersey sa Saitama Ageo Medics na ginamit nito sa Japan Volleyball League gayundin ang kanyang mga jersey sa NU Lady Bulldogs sa UAAP, Foton Tornadoes sa Phi­lippine Superliga, PLDT Home Ultera sa Shakey’s V-League (na ngayon ay Premier Volleyball League na), at mga ginamit nito sa national team.

Maliban sa jersey auction, may fundraising din si Morado na umabot na sa mahigit P460,000.

Nakapagpadala na ng PPEs ang grupo ni Morado sa Philippine General Hospital at Jose Reyes Memorial Medical Center habang inaasahang madadalhan din ng mga equipment ang iba pang ospital sa bansa.

MVP UAAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with