Garcia ikinakasa na ang game plan vs Pacquiao
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - April 4, 2020 - 12:00am

Gagayahin ang estilo ni Marquez

MANILA, Philippines — Hindi pa naman naika­kasa ang laban, nagha­handa na ng armas si Mikey Garcia sakaling matuloy ang pakikipagbakbakan nito kay eight-division world champion Manny Pacquiao.

Isa si Garcia sa may pinakamalakas na tsansang mapili ng Team Pacquiao sa pagdepensa ng Pinoy champion sa kanyang World Boxing Association (WBA) welterweight title.

Hulyo ang target date ni Pacquiao.

Ngunit tila mauurong ito dahil sa patuloy na pag­laganap ng coronavirus disease (Covid-19) pandemic sa iba’t ibang panig ng bansa kabilang na ang Amerika na madalas na pinagdarausan ng laban ni Pacquiao.

Gayunpaman, magandang pagkakataon ito para kay Garcia para mapag-aralan ng husto ang estilo at galaw ni Pacquiao na itinuturing nitong legend na sa mundo ng boksing.

Alam ni Garcia na ma­tinding pagsubok ang pagdaraanan nito sa kamay ni Pacquiao.

Agresibo, malalim na karanasan at mababagsik na kamao ang sandata ni Pacquiao sa laban.

Kaya naman humahanap na ng paraan si Garcia kung paano ito tatapatan.

“He’s very aggressive, very experienced, very strong,” wika ni Garcia sa panayam ng Boxing Insider.

Ngunit may ibang naiisip na paraan si Garcia.

Nais nitong gayahin ang estratehiyang ginawa ni Mexican champion Juan Manuel Marquez nang pataubin nito si Pacquiao noong 2012.

Magugunitang naitala ni Marquez ang sixth-round knockout win kay Pacquiao - ang pinakamasaklap na kabiguang tinamo ng Pinoy champion sa kanyang bo­xing career.

“But I look at it as an opportunity for me to fight very smart and try to counter-punch, very similar to the way Marquez fought Manny. You know, Juan Manuel Marquez was very, very intelligent, a great counter-puncher. He did fight  Manny, you know, four times,” ani Garcia.

Naniniwala si Garcia na kailangan nitong maging matalino sa oras na mag­krus ang kanilang landas ni Pacquiao.

“I think it’ll be very similar in that way, where I can use my intelligence, my counter-punching abilities and timing to try and beat and overcome that aggressiveness and power that  Manny possesses,” ani Garcia.

Wala pang desisyon si Pacquiao kung itutuloy nito ang planong laban sa Hulyo o ilipat na lamang ito sa iba’t petsa.

Kasalukuyang sumasailalim si Pacquiao sa self home quarantine kasama ang kanyang buong p­amilya.

MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with