Lakers team ligtas na sa COVID-19
LOS ANGELES -- Inihayag kahapon ng Los Angeles Lakers na symtom-free na ang kanilang mga players, kasama sina LeBron James at Anthony Davis, na nauna nang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19).
Makaraang ibunyag ng Brooklyn Nets na may apat silang players, kasama rito si superstar forward Kevin Durant, na nagpositibo sa COVID-19 ay kaagad ipinasailalim ng Lakers ang kanilang mga players sa test.
Ito ay dahil huling nilabanan ng Lakers ang Nets noong Marso 10 sa Staples Center.
Noong Marso 11 ay inihayag ng NBA ang pagsuspindi sa kanilang season dahil sa pagpositibo ni Utah Jazz center Rudy Gobert sa virus.
Dalawang araw hinintay ng Lakers ang test results at inilagay ang kanilang mga players sa 14-day home isolation.
“The thing I think people aren’t realizing is how serious of an ordeal this is and that it’s not to be taken lightly,” sabi ni Lakers guard Alex Caruso. “Everybody said the test is uncomfortable, and it pretty much was. They just stuck a Q-tip through your nose to the back of your mouth.”
Labing apat sa 17-man roster ng Lakers, kasama ang may mga two-way contracts, ang sumailalim sa test.
- Latest