Si Philip Delarmino matapos masungkit ang kanyang ginto sa Manila SEA Games noong nakaraang taon.
STAR/File
Ilang atleta kabilang sa frontliners sa COVID-19 fight
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - March 31, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ilang solider-athletes din ang katuwang ng gobyerno sa kampanya nitong puksain ang coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Hindi lamang health workers ang humaharap sa krisis dahil maging ang mga sundalo na nakakalat sa iba’t ibang panig ng bansa para bantayan ang mga mamamayan.

Kabilang na rito ang ilang miyembro ng muaythai national team at c­oaches na tumugon sa tawag ng serbisyo publiko.

Nangunguna sa listahan si Philip Delarmino na nakasungkit ng gintong medalya sa men’s 57 kg. sa 2019 Southeast Asian Games na ginanap sa bansa noong Disyembre.

Nanawagan ito sa mga Pilipino na makiisa sa ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine ng pamahalaan upang mapigilan ang pagkalat ng virus.

“Hindi madali para sa amin ang malayo sa mga mahal namin sa buhay para po sa ating mga kababayan. Nakikiusap po ako sa inyo mga kababayan na makiisa po tayo na labanan ang nakamamatay na COVID-19,” ani Delarmino.

Kasama ni Delarmino ang asawang si Precious Delarmino gayundin sina Irendin Lepatan, James Daquil at Roland Claro.

Ang limang mga soldier-athletes/coaches ay bahagi ng Armed Forces of the Philippines.

Saludo ang Muay Thai Association of the Philippines (MAP) sa kabayanihan ng mga atleta at coaches na hindi iniisip ang kanilang pansariling kapakanan para makatulong lamang sa krisis.

“Our association is extremely proud of them but at the same time, hopeful that they remain safe and healthy. They are the next generation of leaders and we hope that they serve as an inspiration to others,” ani MAP secretary general Pearl Managuelod.

Humakot ang muaythai ng tatlong ginto, apat na pilak at dalawang tanso para tulungan ang Team Philippines na makuha ang overall championship crown sa 2019 SEA Games.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with