Jerome Angelo Aragones.
Facebook photo
Aragones dinomina ang PH Bullet Championship
Joey Villar (Pilipino Star Ngayon) - March 31, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa COVID-19 pandemic ay sumalang ang mga chess players sa mga online chess tournaments.

Ngunit hindi virus ang kanilang nakaharap, kundi ang mga mandaraya.

Ilang mandaraya na gumamit ng computer engines ang ibinunyag sa mga nilahukang online tournaments, kasama rito ang second leg ng First Philippine National Bullet Championship kamakailan.

Pinagharian ni Jerome Angelo Aragones, isang 16-year-old campaigner sa international age group circuit, ang 20-round tournament na sinalihan ng 200 players.

Ngunit nagulat ang lahat nang talunin ng isang player na gumamit ng account na “mildred1970” sina United States-based Grand Master Mark Paragua at International Master Joel Banawa para makuha ang solo lead sa naisulong na 10.5 points matapos ang 12 rounds bagama’t may mababang 1400-1500 le­velrating.

Nang hingin ng organizer ang tunay niyang pagkakakilanlan ay hindi sumagot ang gumamit ng naturang account.

Kasunod nito ay ang pag-ayaw sa torneo ng nasabing player.

Ayon kay National Chess Federation of the Philippines executive director Cliburn Orbe, hindi na nila isasali ang nasabing player sa lahat ng mga NCFP-sanctioned tournaments.

Nagtala si Aragones ng 15.5 points para pagharian ang torneo kasama ang panalo kay FIDE Master Alekhine Nouri sa final round.

CHESS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with