PSL imports umuwi na
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - March 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Isa isa nang umalis ng bansa ang mga foreign reinforcements sa Philippine Superliga (PSL) Grand Prix na opisyal nang kinansela ng pamunuan ng liga dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Magkasabay na lumipad sina American Kathe­rine Bell ng Petron Blaze at Canadian Shainah Joseph ng Sta. Lucia Realty na nagawa pang makapag­biruan habang nasa Haneda Airport sa Tokyo, Japan para sa kanilang connec­ting flight.

Nagbibigay ng update si Bell sa kanyang social media account sa estado ng kanyang biyahe. Nagbiro pa ito na kailangang makatulog ito ng siyam na oras sa 13-hour flight nito.

“I’m going to sleep nine hours of this 13-hour flight,” ani Bell sa kanyang story sa Instagram account.

Nakaalis na rin ng bansa si American outside hitter Lindsay Stalzer ng F2 Logistics matapos ang ilang linggong pananatili sa Maynila.

Ipinakita ni Stalzer ang kanyang itinerary.

Mula Manila tutulak ito sa Haneda Airport para sa kanyang connecting flight sa Los Angeles, California na siya namang nagdurugtong sa kanya patungo sa kanyang final destinational na Denver International Airport.

Postura pa rin ang 6-foot-1 na nagpost pa ng litrato habang nasa mahabang biyahe.

“Travel day(s) hair,” ani Stalzer.

Nagdesisyon ang pamunuan ng PSL na tuluyan nang ipagpaliban ang Grand Prix dahil sa lumalalang krisis kung saan umabot na sa mahigit 1,000 ang tinamaan ng coronavirus sa bansa.

Plano ng PSL na muling itanghal ang Grand Prix sa huling bahagi ng taon kung kailan available ang mga imports para makapag­laro sa liga.

PANDEMIC PSL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with