Mapanganib na kalaban si Pacquiao
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - March 30, 2020 - 12:00am

Babala ni Algieri

MANILA, Philippines  — Mapanganib na makalaban si eight-division world champion Manny Pacquiao.

Ito ang babala ni reig-ning World Boxing Organization (WBO) international light welterweight champion Chris Algieri sa lahat ng boksingerong nagnanais makaharap ang Pinoy champion.

Alam ni Algieri ang kalidad ni Pacquiao bilang boksingero dahil nagtagpo na ang dalawa noong 2014 sa Cotai Arena sa Macau, China.

Si Pacquiao ang dumungis sa dating malinis na rekord ni Algieri kung saan naitala ng Pinoy pug ang unanimous decision win.

Aminado si Algieri na hindi birong makaharap ang isang world-class figh­ter gaya ni Pacquiao.

Ayon kay Algieri, iba ang itinatago nitong bagsik na mararamdaman lamang sa oras na lumapat sa mismong katawan ng bawat makakalaban nito.

“Manny’s got power and he’s surprising. He is very, very surprising and he’s a dangerous guy, and that stuff doesn’t go away,” wika ni Algieri sa panayam ng Fight Hub TV.

Sa kabila ng 41-anyos na edad ni Pacquiao, naniniwala si Algieri na walang nagbago sa lakas ng kamao nito.

Nasaksihan ni Algieri ang huling dalawang laban ni Pacquiao kontra kina Adrien Broner at Keith Thurman.

At kitang-kita nito ang pamatay na suntok na tag­lay pa rin ni Pacquiao.

““I just think in his last couple fights he’s looked great. I was more surprised with his output, but he showed that in the Broner fight too. He still has that ability to keep up and to keep the pace,” ani Algieri.

Masuwerte si Thurman dahil kung nakalaban nito si Pacquiao noong nasa edad 30-anyos pa lamang ito, walang duda na maitatala ng Pinoy bet ang knockout win.

“I think the Manny from 5 years ago knocks Thurman out. I think he would have sustained the da­mage and got him out of there. He has to fight a little more in spurts, but man he has a lot of spurts still,” ani Algieri.

Wala pang desisyon ang kampo ni Pacquiao kung sino ang sunod na makakalaban nito.

Kabilang sa mga pinagpipilian sina Mikey Garcia, Danny Garcia, Errol Spence at Terence Crawford habang kasama rin sa posibilidad na makalaban ni Pacquiao sina undefeated American fighter Floyd Mayweather Jr. at UFC champion Conor McGregor.

MANNY PACQUAIO WBO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with