Novak Djokovic
Djokovic nangako ng ayuda sa Serbia
(Pilipino Star Ngayon) - March 29, 2020 - 12:00am

BELGRADE -- Na­ngako si  World No. 1 tennis player Novak Djokovic ng one million euros ($1.10 milyon) para makatulong sa pagbili ng mga ventilators at iba pang medical equipment sa Serbia.

Ang 32-anyos na si Djokovic ang pinakabagong bigating atleta na sumuporta para labanan ang coronavirus disease (COVID-19).

Nauna nang nanawagan si Rafael  Nadal sa kanyang mga kapwa Spa­nish athletes na tumulong sa pag-iipon ng 11 million euros ($12.13 mil­yon) habang nag-ambag si Roger Federer ng one million Swiss Francs ($1.04 milyon) sa mga pamilyang apektado ng virus sa Switzerland.

“I wish to express my gratitude to all the medical staff across the world and in my native Serbia for helping everyone infected by the coronavirus,” wika ni Djokovic sa Serbian media sa isang video conference mula sa Marbella, Spain. “Unfortunately, more and more people are getting infected every day. My wife Jelena and I are putting together a plan how to best donate our resources to people in need.”

“Our donation is one million euros for the purchase of ventilators and other medical equipment,” dagdag pa nito.  Ang Serbia ay mayroong 457 nagpositibo sa COVID-19 at pito ang namatay.

Dahil sa virus ay itinigil ang mga laro ng men’s ATP Tour at ng women’s WTA Tour na inaasahang ibabalik sa Hunyo 7.

NOVAK DJOKOVIC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with