^

PSN Palaro

Morado may pa-auction ng UAAP jersey

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Morado may pa-auction ng UAAP jersey
Jia Morado

Pondo para sa ppes ng frontliners

MANILA, Philippines — Patuloy ang pagbuhos ng suporta sa mga frontliners o health workers na tulung-tulong na nagsisikap para labanan ang coronavirus disease (COVID-19) pandemic sa bansa.

Kaya naman kumikilos na rin ang ilang sports personalities upang makatulong sa mga nangangailangan pangunahin na nga ang mga health workers na nagbubuhos ng dugo at pawis.

Mismong si Creamline playmaker Jia Morado ang nagsimula ng fund raising para makakalap ng pondo sa pagbili ng mga personal protective equipment (PPE) na ginagamit ng mga health workers.

Sinimulan ito ni Morado sa pamamagitan ng pag-auction ng kanyang jersey na ginamit nito sa University Athletic Association of the Philippines noong naglalaro pa ito para sa Ateneo de Manila University Lady Eagles.

Sa kasalukuyan, mahigit P10,000 na ang presyo ng kanyang jersey.

Matatapos ang auction sa Abril 1 kung saan ang pinakamataas na bidder ang mag-uuwi ng jersey ni Morado.  Makikita ang bidding sa Every Little Thing Counts facebook page.

Maliban sa auction, naglunsad din si Morado kasama ang kanyang kasintahan na si Miguel de Guzman ng fund raising sa pamamagitan naman ng mobile app na Gcash.

Umabot na sa mahigit P175,000 ang nalikom na pondo mula sa donasyon.

“We would love to be able to provide more equipment and reach more hospitals, but let’s take it one simple step at a time,” ayon pa sa post.

Mahigit 800 na ang tina­maan ng coronavirus sa Pilipinas kung saan lampas sa 50 katao na ang namatay kabilang ang ilang doktor. Nangangailangan ang mga health workers ng PPEs na ginagamit na proteksiyon sa oras na humaharap ang mga ito sa mga pasyente sa ospital.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with