_ngayon
^
Lady Bulldogs lider na
National University
UAAP

Lady Bulldogs lider na

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - March 9, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mabagsik ang National University nang sakmalin nito ang pre-season favo­rite Adamson University, 26-24, 25-14, 25-21, upang masolo ang liderato sa UAAP Season 82 wo­men’s volleyball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nagsanib-puwersa sina veteran wing spiker Audrey Paran at rookie outside hitter Margot Mutshima para hatakin ng Lady Bulldogs ang ikalawang sunod na panalo.

Humataw si Paran ng 15 puntos galing sa 10 attacks, tatlong aces at dalawang blocks habang umariba rin si Mutshima na may 13 markers na nabuo sa pitong attacks, tatlong blocks at tatlong aces.

“Masaya kami dahil pangalawang panalo namin for this season. Sobra kaming na-inspire kasi unlike last season di ba nakuha namin yung first win namin matagal pa,” ani NU mentor Norman Miguel.

Solido ang suporta ni team captain Risa Sato na may walong puntos tampok ang apat na blocks gayundin si middle blocker Ivy Lacsina na gumawa ng siyam na puntos.

Nakalamang ng ba­hagya ang Lady Falcons sa opensa (32-28) subalit na­kabawi ang Lady Bulldogs sa blocking department (13-5) at service area (10-5).

Kabado pa ang Adamson sa unang laro nito na nagresulta sa 25 errors o katumbas na ng isang buong set na naibigay nito sa NU.

Nanguna sa hanay ng Lady Falcons si Premier Volleyball League (PVL) Collegiate Confe­rence  MVP Trisha Genesis na may 12 hits habang nag­lista naman si middle blocker Lorene Toring ng 11 markers.

Bagsak sa 0-1 ang Adamson - ang reigning PVL Collegiate Conference champion.

Sa men’s division, nasolo rin ng NU ang liderato matapos payukuin ang Adamson, 25-21, 25-17, 25-23, tungo sa matikas na 2-0 simula. 

Sa ikalawang laro, pinataob ng University of Santo Tomas ang Far Eastern University, 25-20, 25-16, 25-18, upang sumampa sa win column.

Sinakmal ng Tigresses ang unang panalo sa dalawang laro habang bumagsak sa parehong 1-1 ang Lady Tamaraws.

LADY BULLDOGS NATIONAL UNIVERSITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with