Davao inilaglag ang Zamboanga, pasok sa Finals
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - March 7, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muling pumasok ang Davao Tigers sa Finals ng Southern Division matapos walisin ang Zamboanga, 62-58, habang humirit naman ng do-or-die match ang Bacoor kontra sa Basilan, 80-69, sa semifinal round ng 2019-2020 MPBL-Chooks-to-Go Lakan Cup semifinal round sa Strike Gym sa Bacoor, Cavite.

Umiskor si Kenneth Mocon ng walong puntos sa ika-apat na yugto at pinangunahan naman ng injured na si Mark Yee ang mahigpit na depensa upang iangat ang Davao Occidental sa Finals ng South group sa ikalawang sunod na pagkakataon.

Tumapos si Mocon ng 14 puntos at walo na may kasamang pitong rebounds at tatlong assists mula kay Chester Saldua. Tumabo rin ng tig-limang puntos sina Bonbon Custodio, Marco Balagtas, Billy Robles at Jerwin Gaco para tapusin ang best-of-three series, 2-0.

Maghihintay pa ang Tigers ng makahaharap sa best-of-three Finals  sa mananalo sa pagitan ng No. 2 seed Bacoor Strikers at No. 3 seed Basilan Steel na maglalaban ngayong araw sa parehong venue para sa ikalawang Finals slot.

MPBL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with