Ronald Lomotos
Ernie Peñaredondo
Tuhog ng Navy!
Nilda Moreno (Pilipino Star Ngayon) - March 4, 2020 - 12:00am

VIGAN City, Philippines — Pormal nang ikakahon ng Standard Insurance-Navy ang korona sa individual at team event sa paglarga ng last at final stage ng LBC Ronda Pilipinas, 2020 ngayong araw.

Hindi nagalaw ang komposisyon sa overall individual at team classification pagkatapos ng 170.6km Stage Nine na nagsimula sa Pugo, La Union at nagtapos sa provincial capitol, dito kahapon.

Hindi man lang nasilayan si Oconer, 28 at kanyang teammates sa unang 20 siklistang tumawid sa meta pero walang nabago sa puwesto, hawak pa rin nito ang overall individual classification at ungos pa rin ang Standard Insu­rance-Navy sa team event.

“Tamang pahinga kami ngayon, at bukas, (last stage) tamang safety lang para makuha na ‘yung inaasam namin,” pahayag ni Oconer sa event na inorganisa ng LBC at sa pakiki­pagtulungan ng Manny V. Pangilinan Sports Foundation,

Inamin ni Oconer na matagal na niyang gustong manalo sa Ronda kaya naman nagpapasalamat ito sa kanyang mga kasamahan sa Navy dahil sa suportang ibinigay sa kanya.

May aggregate time na 31:50,52 si Oconer, anak ng dating Olympian na si Norberto, lamang siya ng isang minuto at 15 segundo sa teammate nitong si 2018 king Ronald Oranza.

Ang ibang Navy ri­ders na nanatili sa kanilang puwesto sa IC ay sina Ronald Lomotos, (3rd), John Mark Camingao, (4th), Junrey Navarra at El Joshua Cariño.

May 40 minutes plus three laps ang Vigan  Stage 10 Criterium kaya suntok sa buwan ang pag-asa ng ibang teams.

STANDARD INSURANCE-NAVY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with