^

PSN Palaro

Erram tuloy na sa TNT Katropa

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Erram tuloy na sa TNT Katropa

Manuel, Jalalon sinuspinde

MANILA, Philippines — Kasado na ang rigodon na kinapapalooban ng tatlong koponan matapos itong aprubahan ng Philippine Basketball Association (PBA) Office of the Commissioner noong Huwebes ng gabi.

Matapos ang mahigit isang linggong paghihintay, pirmado na ng PBA ang trade.

Tuloy ang paglipat ni big man Poy Erram sa Talk ‘N Text Katropa.

Base sa orihinal na trade, kinuha ng Blackwater si Erram mula sa NLEX kapalit nina Anthony Seme­rad, Rabeh Al Hussaini at first-round pick sa 2020 PBA Annual Rookie Draft, at second round pick sa 2021 PBA Annual Rookie Draft.

Matapos nito, ibinigay naman ng Elite si Erram sa Katropa bilang kapalit naman nina Ed Daquioag, Marion Magat, Yousef Taha, at dalawang first-round picks sa mga susunod na rookie draft.

Malaking tulong si Erram upang mas lalo pang mapalakas ang frontline ng Katropa kasama sina Troy Rosario, Kelly Williams, Harvey Carey, Ken Bono at Frank Golla.

Balik TNT rin si Erram dahil magugunitang ang Katropa ang kumuha sa kanya sa rookie draft noong 2013.

Ngunit nanatili si Erram ng 10 buwan sa Katropa bilang practice player lamang.

Samantala, sinuspinde sina Jio Jalalon ng Magnolia at Vic Manuel ng Alaska ng kani-kanilang mother clubs matapos maglaro sa ligang labas ng walang pahintulot.

Mismong si Hotshots team governor Rene Pardo ang nagkumpirma na sinuspinde si Jalalon. Hindi nito isiniwalat ang eksaktong detalye ng parusa.

“He is suspended in practices and team activities without pay. He was sanctioned because he knew that it was wrong,” ani Pardo.

Sa kabilang banda, sinuspinde rin ng Alaska si Manuel ng isang linggo.

Hindi rin ito makalalaro sa unang pagsalang ng Aces sa PBA Philippine Cup na magsisimula sa Marso 8.

Ito ang ikalawang pagkakataon na nagtamo ng suspensiyon si Manuel na dati nang nagkaroon ng parehong violations noong 2015.

 Nakita sa isang video na naglaro sina Jalalon, Manuel at Calvin Abueva ng Phoenix Pulse sa ligang labas sa Calamba, Laguna noong Sabado.

Naglabas ng anunsiyo ang PBA noong Miyerkules na papatawan ng P50,000 hanggang P100,000 multa kalakip ng suspensiyon ang sinumang PBA player na maglalaro sa ligang labas.

vuukle comment

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with