Warriors tambak sa James-less Lakers
SAN FRANCISCO — Bagama’t wala si LeBron James ay nagawa pa rin ng Los Angeles Lakers na manalo.
Umiskor si Anthony Davis ng 23 points para tulungan ang Lakers sa 116-86 paglampaso sa Golden State Warriors at ilista ang kanilang pang-pitong sunod na panalo at NBA-record na ika-18 sa road games laban sa mga Western Conference teams.
Si Rajon Rondo ang sumalo sa trabaho ni James, may left groin injury, at nagtala ng 12 points at 6 assists para sa Los Angeles.
Pinamunuan naman ni rookie Eric Paschall ang Golden State mula sa kanyang 23 points at may 16 markers si Jordan Poole.
Sa Oklahoma City, humataw si Danilo Gallinari ng 24 points at bumangon ang Thunder mula sa 19-point deficit sa third quarter para balikan ang Sacramento Kings. 112-108.
Nagdagdag si Shai Gilgeous-Alexander ng 20 points kasunod ang 17 markers ni Chris Paul para sa pang-limang dikit na ratsada ng Oklahoma City at ika-14 sa huli nilang 17 laro.
Binanderahan ni Harrison Barnes ang Sacramento mula sa kanyang 21 points at may season-high 19 markers si Harry Giles.
Sa Indianapolis, nagposte si Domantas Sabonis ng 20 points at 11 rebounds para akayin ang Indiana Pacers sa 106-100 paggupo sa Portland Trail Blazers.
- Latest