Petron sisimulan na ang depensa vs Generika
MANILA, Philippines — Ipaparada ng nagdedepensang Petron ang bagong mukha nito sa pagsabak kontra Generika-Ayala sa pagbubukas ng 2020 Philippine Superliga Grand Prix ngayong araw sa The Arena sa San Juan City.
Magtatagpo ang Blaze Spikers at Lifesavers sa alas-5 ng hapon habang nakatakda rin ang engkuwentro ng PLDT Home Fibr at Sta. Lucia Realty sa alas-7 ng gabi.
Magkakaroon ng simpleng opening ceremonies sa alas-4 ng hapon.
Ilang key players ang nawala sa Blaze Spikers ngunit nananatili itong matikas dahil nariyan pa rin si American super import Katherine Bell.
Makakatuwang nito sina veteran hitters Aiza Maizo-Pontillas, Ces Molina at Remy Palma kasama ang bagong recruits na sina Rebecca Rivera, Ging Balse-Pabayo, Jem Gutierrez, Roselle Baliton at Angela Nunag.
Bago rin ang head coach ng Blazer Spikers sa ngalan ni veteran mentor Emil Lontoc.
“Looking at the composition of Petron, it lost its main core that dominated the Grand Prix for the past two years. Many people are counting us out. But I’m optimistic. I know these new set of players will step up the way they did during tune-ups and practices,” ani Lontoc.
- Latest