^

PSN Palaro

Davao vs Zamboanga sa MPBL semis

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Maghaharap ang top seed Davao Occidental Tigers at  No. 5 seed Zamboanga Family Sardines sa best-of-three semifinal series ng Southern Division matapos magwagi sa magkahiwalay na quarterfinal matches sa pagpapatuloy ng 2019-2020 MPBL-Chooks-to-Go Lakan Cup sa Rizal Memorial College Gym sa Davao City.

Nangailangan ng overtime period ang Davao Tigers bago tuluyang nadispatsa ang No. 8 seed Bicol Volcanoes, 64-56,  para tapusin ang serye, 2-1, habang pinatumba na­man ng Zamboanga ang No. 4 Batangas Athle­tics, 69-52, upang itakas ang  ikalawang semis berth sa South group.

Ito na ang ikalawang sunod na pumasok ang Davao Occidental sa semis kung saan winalis nila ang Bacoor Strikers, 2-0, sa nakaraang Datu Cup habang ang Zamboanga naman ay pumasok din sa semifinals sa ikalawang sunod na pagkakataon nang magwagi sa Muntinlupa, 2-1, sa quarterfinals ng nakalipas na conference, ngunit nabigo sila sa Batangas City, 1-2, sa semis.

vuukle comment

DAVAO OCCIDENTAL TIGERS

ZAMBOANGA FAMILY SARDINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with