Isinusuot ng LBC opisyal ang Red Jersey kay Mark Julius Bordeos.
Balik trangko!
Nilda Moreno (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2020 - 12:00am

Bordeos isinuot uli ang red jersey

LUCENA City, Philippines — Duma­ting na pang 16 si Mark Julius Bordeos ng Bicycology Shop-Army sa Stage 4 ng LBC Ronda Pilipinas, 2020 kahapon pero nabawi pa rin niya ang Red Jersey kay Jerry Aquino Jr. ng Scratch It.

Nagwagi sa Stage 3 si Aquino, 27 at naagaw nito ang simbolo ng overall leader kay Bordeos.

Subalit hindi nakasama sa top 20 finishers si Aquino kaya muling sumampa sa tuktok ng overall indi­vidual classification si Laoac, Pangasinan native, Bordeos na lumikom ng 14 oras, 41 minuto at 17 segundo matapos ang apat na stages.

Na-impress naman si team manager Eric Buhain sa ipinakita ng kanyang mga bataan.

“That’s one race down, and more to go. I’m so proud of our team, and I see more surprises and rewards from our riders in the next days,” ani Buhain. “I believe in my Army Bicycology boys. They are experienced and will adjust their game plan.”

Isusuot muli ni Bordeos ang Red Jersey sa pag-larga ng 128.5km Lucena-Antipolo Stage Five nga-yong araw.

Pinasalamatan din ni Buhain ang ilang opis­yal sa Philippine Army na walang patid ang suporta sa koponan tulad nina LTC Dexter A. Macasaet, QMS (GSC) PA - Director SSC, IMCOM (P), MGen. Tyne T. Bañas, AFP - Cmdr, IMCOM (P), PA at Lt.Gen. Gilbert I. Gapay AFP - CG, PA.

“’Yung suporta nila at tulong sa ating mga riders ay tunay namang nagbigay lakas sa kanila para magpursige sa laban,” sambit ni Buhain.

Samantala, nasikwat ni Ronald Lomotos ng Standard Insurance-Navy ang Stage 4 na nagsimula sa Daet.

Nagtala ang 25-anyos Lomotos ng apat na oras, 56 minuto at 28 segundo sa 205.5 km race.

“Sinabi ko sa teammates ko na huwag na namin bitawan kasi hindi namin alam kung bukas eh magawa pa rin namin ito.” saad ni Lomotos.

Kasabay ni Lomotos dumating sa finish line ang teammates na sina se­cond placer Junrey Navarra at terserong si El Joshua Carino sa event na suportado ng LBC at inisponsoran ng Manny V. Pangilinan Sports Foundation kasama ang Versa, 8A Performance, Print2Go, Petron, Green Planet, Bike Xtreme, NLEX-SCTEX, Maynilad, 3Q Sports Event Management Inc., LBC Foundation at PhilCycling.

MARK JULIUS BORDEOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with