Johnriel Casimero
ringtv.com
Casimero todo na ang paghahanda
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Gaya ng ibang big fights, itinuturing na magiging blockbuster hit ang duwelo nina World Bo­xing Organization (WBO) bantamweight champion Johnriel Casimero at World Boxing Association (WBA) super bantamweight at International Boxing Fe­deration (IBF) bantamweight titlist Naoya Inoue.

Lalarga ang salpukan nina Casimero at Inoue sa Abril 25 sa Mandalay Bay sa Las Vegas, Nevada.

Masayang ibinalita ni Top Rank chief Bob Arum na libu-libong tiket na ang nabenta sa unang araw pa lang ng pagbubukas ng ticket sales.

“It’s going to be a big, big fight. In the first hour, we sold a thousand tickets, and I think it is going to be a blockbuster,” wika ni Arum.

Puspusan na ang pag­hahanda ni Casimero.

Sa katunayan, lutang na ang bato-bato nitong katawan base sa ipinadalang mga larawan ng kanyang kampo habang nagsasanay ito sa Miami, Florida.

Kita na ang perpektong kundisyon ng pangangatawan ngunit kailangan pa aniya itong plantsahin upang masiguro na nasa 100%  ang kanyang estado bago harapin si Inoue.

Alam ni Arum ang kaka­yahan ni Casimero.

At naniniwala itong ka­yang-kaya ng Pinoy champion na mapabagsak ang tinaguriang “The Unbeaten Japanese Monster.”

Gayunpaman, pinayuhan ni Arum si Casimero na mag-ingat dahil ilalabas din ni Inoue ang buong lakas nito para mapanatili ang dalawang koronang hinahawakan nito.

JOHNRIEL CASIMERO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with