Zion sapaw kay LeBron
Zion Williamson
Jonathan Bachman/Getty Images North America/AFP
Zion sapaw kay LeBron
(Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2020 - 12:00am

LOS ANGELES - Hu­ma­taw si LeBron James ng 40 points sa kanyang unang career meeting kay No. 1 overall pick Zion Williamson at iginiya ang La­kers sa 118-109 paggupo sa New Orleans Pelicans.

Ito ang ikaanim na su­nod na ratsada ng Los Angeles.

Nagtala naman si Anthony Davis ng 21 points at 14 rebounds para sa kanyang 3-0 record  laban sa dating koponan nga­yong season.

Sa unang laro ng La­kers matapos ang emotio­nal memorial service para kay Kobe Bryant sa Staples Center noong Lunes ay nagsalpak si James ng back-to-back buckets.

Sinelyuhan naman ni Danny Green ang kanilang paggupo sa Pelicans matapos isalpak ang kanyang ika-limang 3-pointer sa hu­ling 51 segundo ng fourth period.

Tumapos si Williamson na may 29 points at 6 rebounds sa kanyang unang career showdown kina James at Davis.

Sa San Francisco, tumipa sina Harrison Barnes at De’Aaron Fox ng tig-21 points para akayin ang Sacramento Kings sa 112-94 panalo kontra sa Golden State Warriors.

Nalasap ng Warriors ang kanilang pinakamahabang home losing slump sa loob ng 19 taon.

Nalasap ng Golden State ang pang-pitong dikit nilang home games sapul nang maisuko ang huling pitong home games noong 2000-01 season.

Sa Portland, Nagpasabog si Jayson Tatum ng 36 points, tampok dito ang career-high na walong 3-pointers, para ihatid ang Boston Celtics sa 118-106 panalo sa Trail Blazers.

ZION WILLIAMSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with