CJ Perez
PBA.ph
Tautuaa, Perez babandera sa 3x3 Olympic Qualifying sa India
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pangungunahan nina 2019 Southeast Asian Games gold medal winners Moala Tautuaa at CJ Perez ang kampanya ng Philippine team sa 2020 3x3 Olympic Qualifying Tournament sa Marso 18 hanggang 22 sa Bengaluru, India.

Makakasama nina Tautuaa at Perez, naglalaro sa PBA para sa San Miguel at Columbian, ayon sa pagkakasunod, sa four-man national 3x3 squad sina Joshua Munzon at Alvin Pasaol.

Sina Munzon at Pasaol ay mga top two 3x3 ranked players habang inangkin naman nina Tautuaa at Perez kasama sina Chris Newsome ng Meralco at Jason Perkins ng Phoenix ang gold medal noong 2019 SEA Games.

Ang komposisyon ng national 3x3 team ay pormal na inihayag ng SBP Selection Committee na binubuo nina SBP Executive Director Sonny Barrios, SBP Coaches Academy head Jong Uichico at coaches Pat Aquino, Eric Altamirano at Ronald Magsanoc.

Sina Serbian trainors Stefan Stojajic at Darko Krsman, mga 3x3 specia­lists, ang mamamahala sa day-to-day practice at training ng tropa at iba pang pool players.

Kasama ng Pilipinas sa Pool C ang Slovenia, France, Qatar at Dominican Republic.

Ang top two teams ang papasok sa quarterfinals playoff round.

2019 SOUTHEAST ASIAN GAMES CJ PEREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with