UAAP volley papalo sa Marso 3
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines —  Wala nang makapipigil pa sa pagbubukas ng UAAP Season 82 volleyball tournament sa Marso 3 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Tuloy na ang inaabangang salpukan ng matitikas na collegiate teams sa bansa matapos itong makansela noong Pebrero 15 dahil sa coronavirus outbreak base sa inilabas na official statement ng UAAP Board kahapon.

Subalit bahagyang nabago ang schedule.

Sa opening day, papalo ang duwelo ng University of the East at Far Eastern University sa men division sa alas-2 ng hapon kasunod ang bakbakan ng Lady Warriors at Lady Tamaraws sa women’s class sa alas-3:30.

Magpapatuloy ang aksiyon sa women’s category sa Marso 4 tampok ang engkuwentro ng Season 81 runner-up University of Santo Tomas at National University sa alas-10:30 ng umaga at ng defending champion Ateneo at University of the Philippines sa alas-3:30 ng hapon.

Lalaruin naman ang inaabangang pukpukan ng A­teneo at De La Salle University sa Marso 7 sa alas-3:30 ng hapon sa MOA Arena habang magsisilbing pampa­labok ang laban ng UP at UE sa alas-10:30 ng umaga.

Dahil sa pagkaantala ng pagbubukas ng liga, magkakaroon ng apat na playdates kada linggo.

Mula sa orihinal na Miyerkules, Sabado at Linggo na mga laro, nagdesisyon ang liga na magkaroon ng mga laro tuwing Martes para mas mapabilis ang torneo.

UAAP SEASON 82 VOLLEYBALL TOURNAMENT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with