^

PSN Palaro

Perpetual Altas Spikers tangka ang ika-13 titulo

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Perpetual Altas Spikers tangka ang ika-13 titulo
Altas coach Sammy Acaylar

MANILA, Philippines — Malaki ang tiwala ni multi-titled coach Sinfronio “Sammy” Acaylar na magtagumpay ang University of Perpetual Help System Dalta Men’s Spikers sa pagsungkit sa kanilang ika-13th titulo sa pagpapatuloy ng Season 95 NCAA volleyball tournament sa Marso 16.

Sa ngayon, patuloy ang paghahanda ng nagdedepensang Altas matapos makuha ang automatic ticket sa best-of-three Finals matapos ang 9-game sweep sa elimination round. Naghihintay na lang ng makakalaban sa championship ang Perpetual Help men’s Spikers na manggagaling sa stepladder format.

Tatlong koponan sa pangunguna ng Arellano University, Emilio Aguinaldo College at College of St. Benilde ang maghaharap sa stepledder semis.

Matatandaang  ipinagpaliban muna ang pagpapatuloy sa mga laro ng NCAA dahil sa Novel Coronavirus o Covid-19.

Ngunit, ipinahayag na ng management committee (MANCOM) sa pangunguna ni Peter Cayco ng host Arellano University na pinag-aaralan na ng Policy Board ang muling pagpapatuloy ng mga laro sa Marso 16.

“Maganda na magbabalik na uli ang games sa March 16, pero kami mag-aantay pa rin kasi may two playdates pa ang men’s team and then may stepladder pa,” pahayag ni Acaylar.

Kung magtatagumpay ang Altas, kasama na sila ng Letran sa may pinakamara­ming korona sa kabuuang 13 titulo.

vuukle comment

NCAA VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with