^

PSN Palaro

Santisima bagsak kay Navarrete sa 11th

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Santisima bagsak kay Navarrete sa 11th
Natuldukan ang 17-match winning streak ni Santisima na nahulog sa 19-3 rekord.
STAR/File

MANILA, Philippines — Hindi pinalad si world No. 5 Jeo Santisima nang magtamo ito ng 11th-round technical knockout win kay reigning World Boxing Organization (WBO) super bantamweight champion Emanuel Navarrete ng Mexico kahapon sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Natuldukan ang 17-match winning streak ni Santisima na nahulog sa 19-3 rekord.

Gayunpaman, nakakuha si Santisima ng papuri sa mga boxing analyst dahil nagawa nitong mapaabot sa 11 rounds ang laban kontra sa world champion na si Navarrete.

Nakipagsabayan si Santisima sa buong panahon ng laban kung saan nagpakawala rin ito ng malalakas na suntok at solidong kumbinasyon para pahirapan ang Mexican pug.

Subalit unti-unting inilabas ni Navarrete ang world-class style nito nang pakawalan ang matatalim na atake na lubos na nagpahirap kay Santisima.

Hindi na nakasabay si Santisima sa 11th round dahilan para itigil na ng referee ang laban at tuluyang ipaubaya sa Mexican fighter ang matagumpay na pagdepensa sa titulo.

Umangat sa 4-0 ang rekord ni Navarrete laban sa Pinoy fighters.

 Gumanda ang rekord ni Navarrete sa 30-1 tampok ang 27 knockouts.

vuukle comment

JEO SANTISIMA

WORLD BOXING ORGANIZATION SUPER BANTAMWEIGHT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with