BP, PNG suspendido habang may COVID-19 - Iroy
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - February 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kung magdaraos man ang Philippine Sports Commission ng kanilang mga sports events nga­yong taon ay ikukunsidera muna nila ang kaligtasan ng lahat dahil sa banta ng COVID-19.

Ayon kay PSC Executive Director Atty. Guillermo Iroy, nasa indefinite suspension pa rin ang pagsasagawa nila ng Batang Pinoy, Philippine National Games, nilalahukan ng mga miyembro ng national team at Children’s Games for Peace.

“Indefinite suspension pa rin, pero tuloy pa rin ang planning and preparation not only for BP (Batang Pinoy) ang PNG but for other programs and event as well,” wika kahapon ni Iroy.

Kinansela rin ng sports commission ang Philippine Sports Summit na nakatakda sa Pebrero 27-29 sa Philippine International Convention Center.

  Ilang qualifying tournaments sa China para sa 2020 Olympic Games sa Tokyo, Japan, nakatakda sa Hulyo 24 hanggang Agosto 9, ang nauna nang inilipat sa ibang bansa bu­nga ng banta ng CO­VID-19.

COVID-19 PHILIPPINE SPORTS COMMISSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with