Manila, Pasig sa semis na
MANILA, Philippines — Winalis ng Manila Stars ang Pasig-Sta. Lucia, 82-80 habang tinapos din ng Makati ang pag-asa ng Bulacan Kuyas, 86-78, para bigyan daan ang kanilang paghaharap sa Northern Division semifinal round sa 2019-2020 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL)-Chooks-to-Go Lakan Cup sa Malolos Sports and Convention Center.
Umani si Carlo Lastimosa ng 21 puntos, isang rebound at dalawang assists at tumulong din ng 19 puntos, pitong rebounds at anim na assists si Chris Bitoon para sa ikalawang sunod na semifinals stint ng Manila.
Tinalo ng Manila ang Bataan, 2-1, sa North division semis sa nakaraang Datu Cup ngunit nabigo naman sa San Juan Knights, 1-2, sa Division finals.
Sa iba pang laro, hindi naka-apekto sa No. 3 seed Super Crunch ang pagsibak sa kanilang homecourt advantage dahil hindi pumasa sa standard ang Guadalupe Vejo Gym kaya napunta sa No. 6 seed Bulacan ang Game 2 ng best-of-three quarterfinal series.
- Latest