^

PSN Palaro

Gilas mapapalaban na sa Indonesia

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Gilas mapapalaban na sa Indonesia
Gilas Pilipinas

MANILA, Philippines — Kasado na ang game plan ng Gilas Pilipinas kontra Indonesia sa paglarga ng first window ng 2021 FIBA Asian Cup qualifiers nga­yong gabi sa Britama Arena Sportmall Kelapa Gading sa Jakarta, Indonesia.

Nakatakda ang bakbakan ng Gilas Pilipinas at Indonesia sa alas-6 ng gabi (alas-7 ng gabi sa Maynila).

Bagama’t maikling panahon lamang ang naging paghahanda ng Gilas Pilipinas, optimistiko si interim head coach Mark Dickel na makukuha ng Pinoy squad ang panalo.

Alam ni Dickel na hindi birong kalaban ang Indonesia lalo pa’t mas magiging ispirado ito dahil sa home crowd.

Napaulat na wala sa lineup ng Indonesia si naturalized player Lester Prosper.

Subalit preparado ang kanyang bataan anumang armas ang ilabas ng mga Indonesians - nariyan man si Prosper o wala.

“I have no knowledge about them, but we’re assuming they have natura­lized player. So we are going to go over there and play good game. They will not going to give it to us,” ani Dickel.

Wala ang ilang key players sa Gilas Pilipinas lineup gaya nina June Mar Fajardo at Christian Standhardinger.

Binubuo ang koponan ng pinagsamang beterano at bagitong manlalaro.

Pitong PBA players ang nasa listahan - sina Roger Pogoy, Troy Rosario, JP Erram, CJ Perez, Justin Chua, Kiefer Ra­vena at Abu Tratter habang kasama rin sina Isaac Go, Thirdy Ravena, Juan Gomez De Liaño, Dwight Ramos at Matt Nieto.

Sanay na ang lahat ng miyembro ng Gilas Pilipinas sa bakbakan.

Kaya’t mabilis na nakaagapay ang isa’t isa sa sistema.

vuukle comment

FIBA

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with