Wala na sa kampo ng Power Hitters sina three-time NCAA MVP Grethcel Soltones, powerhitting wing spiker Jerrili Malabanan at veteran playmaker Jasmine Nabor na lumipat ng ibang volleyball clubs.
PSL FB Page
PLDT palaban sa PSL Grand Prix
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa kabila ng pagkawala ng tatlong key players, hindi patataob ang PLDT Home Fibr sa 2020 Philippine Superliga Grand Prix na nakatakdang magbukas sa Pebrero 29 sa The Arena sa San Juan City.

Wala na sa kampo ng Power Hitters sina three-time NCAA MVP Grethcel Soltones, powerhitting wing spiker Jerrili Malabanan at veteran playmaker Jasmine Nabor na lumipat ng ibang volleyball clubs.

Ngunit nananatiling matikas ang PLDT dahil nariyan pa rin sina Aiko Urdas, Shola Alvarez, Jorelle Singh, Sasa Devanedera, Kath Villegas, Joyce Sta. Rita, Alyssa Eroa, Vira May Guillema at Lizlee Ann Gata-Pantone.

Inaabangan na rin ang import ng PLDT na si Maeve Orle na miyembro ng French women’s volleyball national team.

Nakapaglaro na rin si Orle sa ilang commercial leagues sa France gayundin sa Romania at Finland.

“Maaasahan lahat ng players. Sanay na yan sa PSL,” ani PLDT assistant coach Clint Malazo.

Nakabalik na sa c­oaching duties si veteran mentor Roger Gorayeb matapos maospital dahil sa multiple myeloma.

“Nakakapunta na siya sa training namin parati pero hindi pa siya pwedeng ma-stress talaga at mapagod. So hopefully makikita na ulit siya sa bench ng team,” ani Malazo na siya munang humahawak sa training ng Power Hitters.

Target ng Power Hitters na malampasan ang kanilang bronze-medal fi­nish noong nakaraang taon.

Gaya ng dati, one game at a time ang PLDT.

“Sa ngayon, semis muna ang target namin dahil marami rin kaming players talaga na nawala. Ilang key players din yun. Pero lalaban ang team na ito,” ani Malazo.

PHILIPPINE SUPERLIGA GRAND PRIX
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with