Ang Standard Insurance-Navy riders bago ang kanilang pagsasanay para sa LBC Ronda Pilipinas 10th anniversary race.
Ernie Peñaredondo
Navy riders tulungan para sa titulo
Nilda Moreno (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2020 - 12:00am

SORSOGON, Philippines — Aminado si Standard Insu­rance-Navy rider Jan Paul Morales na palaban sa general classification ang kanyang mga kakampi sa magaganap na LBC Ronda Pilipinas 10th anniversary race na magsisimula bukas sa harap ng provincial capitol.

Kaya naman ayon kay Morales kung sino ang mangunguna sa individual sa kanyang mga kakampi ay magsusuportahan sila.

“Panlaban sa GC mga kakampi ko, kaya magtutulungan na lang kami kung sino ang nasa itaas at may pag-asa,” saad ni two-time champion Morales kahapon habang nagpapahangin sa harapan ng kanilang hotel.

Nagkampeon ang 34-anyos na si  Morales noong 2016 at 2017 ang mga kakampi niya ay sina 2018 ruler Ronald Oranza, consistent top 10 finishers El Joshua Carino, George Oconer, Ronald Lomotos, John Mark Camingao at many-time King of the Mountain winner Junrey Navara. Bagong miyembro ng Navy ay si Lance Allen Benito.

Sinabi rin ni Morales na kaya pa niyang kumalawit ng kanyang pangatlong titulo sa nasabing 10-Stage event na magtatapos sa Vigan City sa Marso 4.

 Ang ibang teams na kasali ay ang Go For Gold, Scratch it, Celeste Cycles-Devel Project Pro Team, Bicycology (Army), Bike Xtreme, Tarlac/Central Luzon, Ilocos Sur, South Luzon/Batangas, Nueva Ecija at 7Eleven Cliqq-Air21 by Roadbike Philippines. 

LBC RONDA PILIPINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with