San Juan, Pampanga ikinasa ang MPBL semis
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kapwa pinatalsik ng San Juan Knights at Pampanga Lanters ang kani-ka­nilang kalaban para bigyan daan ang kanilang pagtatagpo sa best-of-three Northern Division semifinal round sa pagpapatuloy ng 2019-2020 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL)-Chooks-to-Go Lakan Cup sa Angeles Uni­versity Foundation Gym sa Angeles City.

Iginupo ng top seed at Datu Cup champion Knights ang No. 8 seed Pasay Voyagers, 74-67  habang nalusutan naman ng No. 4 seed Giant Lanterns ang No. 5 seed Bataan Risers, 83-80, para walisin ang best-of-three quarterfinals, 2-0.

Nagsanib puwersa ang mga inaasahan ng San Juan na sina John Wilson, Jhonard Clarito at Orlan Wamar para tapusin na ang pag-asa ng Voyagers kasunod ng  kanilang 75-74 panalo sa Game 1 noong Pebrero 15.

Umani si Wilson ng double-double performance sa kanyang 17 puntos, 16 rebounds, tatlong assists at dalawang steals para tumuntong sa semis sa ika­lawang sunod na pagka­kataon.

Sa kabilang banda, bumida naman si Dexter Maiquez para sa Pampanga matapos umiskor ng anim na sunod na puntos sa krusyal stretch para ipalasap sa Bataan ang ikalawang kabiguan sa serye.

Sisimulan ng Knights at Giant Lanterns ang Northern semifinal battle sa susunod na linggo.

MPBL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with