PSC pinayagan nang lumipad ang Pinoy pugs sa Jordan
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaprubahan ng Philippine Sports Commission ang biyahe ng isang eight-man national boxing team patungo sa Amman, Jordan para sa Olympic Qualifying Tournament.

Nakatakda sa Pebrero 29 hanggang Marso 12 ang nasabing Asian at Oceanic qualifying para sa 2020 Olympic Games na idaraos sa Tokyo, Japan, sa Hulyo 24 hanggang Agosto 9.

Nauna nang nakansela ang torneo na itinakda sa Wuhan, China noong Pebrero 3 hanggang 14 bunga ng banta ng coronavirus.

Nagdesisyon ang International Olympic Committee-Boxing Task Force na ilipat ito sa Amman, Jordan.

Nangunguna sa lista­han ng Association Boxing Alliances of the Philippines sina World Championship gold medalist Nesthy Petecio at Southeast Asian Games gold medal winner Eumir Felix Marcial.

Tanging sina World Gymnastics champion Carlos Edriel Yulo at pole vaulter Ernest John Obiena ang dalawang Pinoy na nakapagbulsa ng tiket para sa 2020 Tokyo Games.

Sasabak si Petecio sa women’s featherweight division habang susuntok sina Irish Magno at Riza Pasuit sa flyweight at lightweight category, ayon sa pagkakasunod.

Kakampanya naman  si Marcial sa mid­dleweight sa men’s class kasama sina Carlo Paalam (flyweight), Rogen Ladon (flyweight), Ian Clark Bautista (feather­weight) at James Palicte (lightweight).

Kabuuang 41 Olympic slots ang nakataya sa men’s division at 22 sa women’s category ng Asia-Oceania qualifiers.

Idaraos ang ikal­awang Olympic qualifier, ang World Olympic Qualifying Tournament, sa Paris sa Mayo.

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with