^

PSN Palaro

Pwera demanda

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Ibang klase talaga si Manny Pacquiao dahil siya lang yata ang boxing champion na dalawa ang promoters.

May Premier Boxing Champions na, may Paradigm Sports Management pa.

Ang PBC ang nag-promote ng huling dalawang laban ng senador at kahit mukhang buhay pa ang kontrata niya sa PBC ay pumirma siya ng bagong kontrata sa Paradigm.

 Si Al Haymon, ang malapit na kaibigan ni Floyd Mayweather Jr., ang may hawak ng PBC. Malamang, kaya pumirma si Pacman dito nung 2018 ay inisip niya na baka mapadali ang rematch niya kay Mayweather.

Pero walang nangyari. Walang rematch na naganap. At kung wala na nga itong pag-asa, isang big fight na lang ang natitira kay Pacman bago siya mag-retire.

Ito ang laban kay Conor McGregor ng UFC. At sino ang promoter ni McGregor? Ang Paradigm Sports Management na pag-aari ng Iraqi-American na si Audie Attar.

‘Yan ang rason bakit pumirma si Pacman ng kontrata sa Paradigm. Na sana, bago man lang siya mag-retire ay baka masungkit niya ang super fight.

 Pwedeng rematch kay Mayweather sa PBC or laban kay McGregor sa Paradigm.

 Kahit sino sa dalawa, kikita ng daang-milyong dolyares si Pacman.

Ang tanong na lang eh hindi kaya maghabol ng court case ang PBC? Sa pagpirma ni Pacman sa Paradigm, wala kaya siyang nilabag sa kontrata niya sa PBC?

Kasama natin ang mga abugado ni senator nung Martes. Ang sabi nila, wala raw.

Sana nga.

Kung hindi, sa korte ang bagsak nila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with