^

PSN Palaro

P3.3 milyon inayuda ng Philracom sa iba’t ibang charities at lugar na sinalanta ng kalamidad

Pilipino Star Ngayon
P3.3 milyon inayuda ng Philracom sa iba�t ibang charities at lugar na sinalanta ng kalamidad
“As a loyal servant under the Office of the President, the Philracom aids and supports President Rodrigo Duterte’s various social responsibilities,” ani Philracom Chairman Andrew A. Sanchez. “Helping our fellow Filipinos is part of our duty of giving back to the community.”
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nagkaloob ang Philippine Racing Commission ng P3,340,000 sa iba’t ibang charities at lugar na sinalanta ng sakuna simula ng 2016 sa pamamagitan ng mga charity races nito.

“As a loyal servant under the Office of the President, the Philracom aids and supports President Rodrigo Duterte’s various social responsibilities,” ani Philracom Chairman Andrew A. Sanchez. “Helping our fellow Filipinos is part of our duty of giving back to the community.”

Nito lang nakaraang Pebrero 2, ang mga  tumanggap ng benepisyo ay ang mga naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal, sa pamamagitan ng charity race sa San Lazaro Leisure Park na pinamunuan ng De La Salle Lipa Class 1970 Association.

Sa araw din na iyon, dalawa pang charity races ang isinagawa sa Manila Jockey Club na karerahan, na tumulong sa mga biktima ng bagyong Ursula sa Munisipalidad ng Bulalacao Oriental Mindoro (Rotary Club of Calapan Volunteer Group, Inc.) at naglikom ng pondo sa pangangailangan ng mga nasalanta ng kalamidad (Philippine Red Cross-Manila Chapter).

Noong Agosto 25, 2019, nagsagawa ang Philracom ng mga charity races para sa mga biktima ng lindol sa Batanes at Northern Mindanao, tumulong sa pagbibigay ng santuario para sa mga walang tahanan at may sakit na naninirahan sa kalye, at namahagi ng pondo para sa pag-aaral ng nga batang ang mga magulang ay nakakulong, sa pamamagitan ng Probinsiya ng Basco, Batanes, Rotary Club of Manila Bay, AJ Kalinga Foundation at Philippine Jesuit Prison Service Foundation Inc.                 Noong 2017, sa ilalim ng Opisina ni Executive Secretary Salvador Medialdea, nagsagawa ang Philracom ng anim na charity races sa San Lazaro Leisure Park, Saddle and Clubs Leisure Park at sa Metro Manila Turf Club sa Malvar, Batangas para sa rehabilitation ng Marawi City.

 Noong Pebrero 25, 2016, nakipagtulungan ang Philracom sa Munisipalidad ng Baco, Oriental Mindoro para makapaglikom ng pondo para sa mga biktima ng Bagyong Nona sa mga karerang isinagawa sa Saddle and Clubs sa Naic, Cavite.

Lahat ng charity races ay itinakbo ayon sa Rating-Based Handicapping System ng Philracom, mula sa alituntunin ng International Federation of Horseracing Authorities, kung saan ang commission ay miyembro na ngayon.

vuukle comment

PHILRACOM

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with