Pinasiklaban ni La­kers guard Le­Bron James ng Team LeBron ang Team Giannis nang dumakdak ito sa NBA All-Star Game.
Team Lebron sinapawan ang Team Giannis
(Pilipino Star Ngayon) - February 18, 2020 - 12:00am

CHICAGO – Umiskor si Kawhi Leonard ng 30 habang may 23 markers si LeBron James sa 157-155 panalo ng Team LeBron laban sa Team Giannis sa 2020 NBA All-Star Game kahapon dito sa United Center.

Ngunit ang bumida ay si Chicago product Anthony Davis na nagsalpak ng winning free throw at tumapos na may 20 points para sa Team LeBron.

Nagsalpak si Leonard, hinirang na Kobe Bryant All-Star MVP, ng walong 3-pointers na nabigong pantayan ang All-Star record na 10 triples ni Paul George noong noong 2016.

Naimintis ni Davis ang una niyang free throw at isinalpak ang ikalawa.

“For the seven I’ve been in, I think this is pro­bably one of the better ones,” wika ni Davis, kasangga ni James sa Los Angeles Lakers. “We were actually out there competing.”

Binanderahan naman ni Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks ang kanyang Team Giannis sa iniskor na 25 points.

Nagdagdag si Kemba Walker ng 23 markers para sa Team Giannis habang may 22 at 21 points sina Joel Embiid at Rudy Go­b­ert, ayon sa pagkakasunod.

Ang dunk ni James ang nagbigay sa Team LeBron ng 156-153 abante, samantalang ang free throw ni Embiid ang nagdikit sa Team Giannis sa 155-156.

Ang foul ni Kyle Lowry kay Davis sa shaded lane ang nagresulta sa free throw ng Lakers forward para sa panalo ng Team LeBron.

Bilang tribute kay Kobe Bryant ay isinuot ng Team LeBron ang blue jerseys na may No. 2 sa likod bilang parangal kay Gianna Bryant. Ang Team Giannis ay nagsuot naman ng red jerseys na may No. 24 para kay Kobe Bryant.

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with