FIBA 3x3 events tuloy!
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - February 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tuloy ang 2020 Tokyo Olympics qualifying tournament sa India sa Marso gayundin ang World Tour Manila Masters sa Mayo.

Ito ang tiniyak ni International Basketball Federation (FIBA) 3x3 event manager Ignacio Soriano sa kabila ng pangambang dulot ng coronavirus disease.

Idaraos ang Olympic qualifying tournament (OQT) sa Marso 18 hanggang 22 sa Bangalore, India habang itataguyod naman ng Pilipinas ang Manila Masters sa Mayo 2 at 3.

“For now, the first reaction is to keep the Olympic qualifying tournament in India as it is. Here, we have no reason to have any alarm. The World Tour will happen, for now,” ani Soriano.

Dumating sa bansa si Soriano para magsagawa ng inspeksiyon sa SM Megamall na siyang gagamiting venue sa Manila Masters.

Sasabak ang Pilipinas sa Olympic qualifiers sa India kung saan makakalaban nito sa Pool C ang No. 6 Slovenia, No. 10 France, No. 17 Qatar at No. 33 Dominican Republic.

Tanging tatlong koponan lamang ang papasok sa Tokyo Olympics.

Una nang nakasiguro ng tiket ang host Japan, China, Russia at Serbia sa Tokyo Games.

Inaasahang papangalanan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang six-man national team na aariba sa Olympic qualifiers.

Binabantayan ng FIBA ang isyu sa coronavirus.

Handa ang orga­ni­sasyon na kanselahin ang mga laro sakaling mas tumindi pa ang epekto nito.

Sa ngayon, tuloy ang pagtataguyod ng mga naturang events.

2020 TOKYO OLYMPICS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with